Adopted: For Norma Maglantay

Paano ba?

Siya ang nagiisang natatanging ina na gugustuhin ko maging nanay ko kahit mabuhay ulit ako sa susunod.

Siya si Mama Norma. Mama ko siya kahit hindi man niya ko iniluwal sa mundo. Oo, hindi niya ako tunay na anak, dahil inampon niya ako. Siya ang tumayong ina sa akin noong hindi ako nagawang panagutan ng aking totoong nanay. Siya ang naglabas ng best of me o best version ko. Ibang klaseng pagmamahal at paaruga ang kailangan ko dahil sa aking kapansanan na cerebral palsy. Ang aking kalagayan ay malala kung hindi niya ako pinagtiyagaan buhatin at kargahin papunta ng PGH para sa aking monitory medical check up sa kalagayan ko at therapy.

Sa tatlong taon, nagtiyaga siya na dalhin ako doon para umayos ako at makalakad ng mag-isa. Selfless mother, strikto, pero lahat ng kailangan ko binibigay niya. Ako nga pala si Martha Ines Maglantay at dahil sa kanya nakapagtapos ako ng kursong Bachelor in Secondary Education, Major in English at ngayon ay isang guro sa public school.

Inspired? Give Your Thoughts!

Name and email are required fields. Your email address will not be published.
By posting a comment, you agree to the Terms & Conditions of the site.