From Terror Manager to Hero: For Rhoselyn Ohoy

I was hired by The Coffee bean and Tea Leaf as an OJT. Then after ng OJT ko, in-offeran nila ako kung gusto ko sa store. Siyempre, ako, gusto ko din. Sino ba naman ang may ayaw ng trabaho? I was endorsed as Back of the House in Petron SLEX. Then I met Rhose Ohoy, Manager of Duty namin. Pag nasa trabaho, trabaho kami. Pag nasa labas, tropa kami. Marami akong natutunan sa kanya, mga diskarte hindi lang sa trabaho kung hindi sa buhay. Para sa akin mentor ko siya, kapag may problema ako siya negreresolve, kapag may problema akong personal binibigyan niya din ako ng advice. Hanggang sa maging Full time barista ako, siya pa rin ang nag push sa akin kahit alam niyang nung una, takot akong makipag-engage kasi natatakot akong magkamali at mareject ng mga guests. But still, hindi niya ko sinukuan. Hanggang sa nasanay na kong makipag-engage sa mga guests dahil barista na ako. Hanggang sa naging Shift Supervisor walkthrough at ngayon, Shift Supervisor, na ko. Lahat ng nakamit ko ngayon or kung nasaan ako ngayon, hindi ko ito makakamit nang wala siya. Lahat ng itinuro niya sa akin dati hindi ko yun sinayang, kung hindi pinagpatuloy ko lahat ng itinuro niya dahil kung hndi dahil sakanya, wala ako sa posisyon ko ngayon. Hindi lang simpleng trabaho ang naibigay sa akin, kundi binigyan din ako ng matatawag kong 2nd family outside our home. Ngayon ko narealize na worth it lahat ng pagod, tiyaga at coaching niya saakin noon.

Thank you so much Ms. Rhose for molding me to become a good senior barista and now as a good leader. Sabi mo nga, Leaders don’t create followers. Leaders create more leaders! I keep that in mind. 👍

Inspired? Give Your Thoughts!

Name and email are required fields. Your email address will not be published.
By posting a comment, you agree to the Terms & Conditions of the site.