Mantra: For Aaron Comia

I used to be a person who had doubts about my abilities and was afraid of change. Aaron helped me to have a more positive outlook in life and to trust and believe in myself more. The mantras in this poem help us go through life with smiles on our faces and peace in our hearts amidst life’s chaos. I wrote this poem to honor and thank Aaron, my personal hero.

Mantra

Di mababasa sa aklat
Kahit ilang beses bumuklat
Mga aral na sa iyo’y nakuha
Sa isipa’y di na mabubura.

Pag sa buhay na’y nahihirapan,
“Choose to love”, ang laging turan.
Mahalin kahit mahirap pakisamahan
Dahil lahat ay may pinagdadaanan.

“Have faith” ang iyong paalala
Pag sa sarili ay nawawalan na
Ng bilib at ng pagtitiwala
Sa mga bagay na ginagawa.

Kapag may pagbabagong dumarating
Madalas akong dumadaing
“Embrace change” at harapin iyong bilin
Pagbabago’y natutuhang tanggapin.

Gumaan ang aking buhay
Nang makasama ka sa paglakbay
Salamat sa mga aral na handog
Sa puso ko, lahat ito’y nakaimpok.

Inspired? Give Your Thoughts!

Name and email are required fields. Your email address will not be published.
By posting a comment, you agree to the Terms & Conditions of the site.