My Google Mother: For Rachel Dimaculangan

Shes my mother, my google mother. Para siyang google, hindi lang sa talino. Kung sa bagay, parang life saver, kapag may kailangan ka, andiyan siya palagi, parang google. Oo, teacher siya, na laging may sagot kaagad. Gagraduate nako, madami na akong naabot dahil sa kanila ni papa. Iba talaga ang sakripisyo ng isang ina. Hindi ko na i-iisa isahin, pero simula pa lang sa panganak niya sa akin, sinuportahan niya ako sa lahat hanggang ngayon. Solid siya, yung tipong may sarili siyang lakad kaso pag may event ako, i-cacancel niya kahit na ano masamahan lang ako. Madalas stage mother siya. In-enroll niya ako sa modeling school kahit ayaw ko pero she knows best at doon nadiscover ko sa sarili ko na madami akong potential. Again, thanks to her.

Ako’y varsity ng taekwondo, hanggat maaari ayaw niyang manuod kasi ayaw niya akong makitang nasasaktan. Pero nung lumaban ako sa Singapore, ayun! Lakas ng boses magcheer! Hindi naman ako perpektong anak, pasaway din ako pero handa siyang umintindi. Pag nagkasakit ako at absent sa trabaho, inaalagaan niya ako, kahit malaki na ako. Iba ang alaga ng isang ina. Magkasundo kami sa maraming bagay, parang magkapatid lang. Shineshare ko ito, hindi dahil para sa advertisement lang, kung hindi dahil sa Coffee Bean kami lagi sadyang magkadate o kaya naman siya laging may nilibre doon.

Bilang isang asawa naman oo google wife, siya ang katulong ng papa ko sa negosyo namin lalo na sa paper works. At ngayon, sa awa ng Diyos, successful naman ang mga business namin.

Wala man akong direktang istorya na nilahad pero nasabi ko ang lahat sa kung ano ang naging papel niya sa aming buhay!

Inspired? Give Your Thoughts!

Name and email are required fields. Your email address will not be published.
By posting a comment, you agree to the Terms & Conditions of the site.