Para Sa Aking Pangalawang Ina: For Elena Dizer-Paz

Kaibigan ng tatay ko ang asawa ni Tita Elen. Guidance Counselor siya sa FEU kung saan ako nag aral. Tahimik ako sa klase at madalas ako napagkakaisahan ng mga siga at pasaway na mga kaklase kong babae. Minsan, may nagpagawa sakin ng midterm project na hindi ko nagawa. nNa-bully ako, sinugod sa klase ko, pinahiya at muntik sapakin. Pinareport ko sa discipline iyon. Pinatawag ang bawat isa sa magulang namin. Takot na takot ako. Si Tita Elena ang tumayo bilang ina ko sa harap ng Discipline. Hawak hawak niya ang kamay ko dahil nanginginig ako sa takot.

Kahit nung nabuntis ako, kay Tita Elena ako unang lumapit. Siya rin ang tumulong sa akin na magsabi sa aking tatay ng aking sitwasyon. Sakanya rin ako lumapit nang ayaw ako panindigan ng long-term boyfriend ko. Si Tita Elena ang nag comfort sakin at nagturong bumangon uli.

Nakapagtapos ako ng pag-aaral at ngayon ay isang Store Manager na. Nang makagraduate ako, hindi kasali ang mga guidance counselor sa PICC kaya’t hindi ako nakayakap sakanya. Nagbuntis siya sa kanyang bunsong anak kaya naging busy na siya sa pamilya. Ako naman ay nagkatrabaho agad. Sana ay maging pagkakataon ito para masabi sakanya na sobra sobrang nagpapasalamat ako bilang siya ang tumayong pangalawang ina ko, kahit na hindi kami magkadugo. Siya ang nagbigay liwanag sa akin para makapagtapos ng pag-aaral at makabangon sa mga challenges ng college life at pagiging isang babae.

Inspired? Give Your Thoughts!

Name and email are required fields. Your email address will not be published.
By posting a comment, you agree to the Terms & Conditions of the site.