The Head Teacher: For Mylove Pangilinan

Ako ay dating guro, at ang aking gustong pasalamatan ay ang dati kong head teacher na si Teacher Mylove. Nagkakilala kami sa isang Elitopia Academy sa may Ortigas.

Ang pinakaunang work ko after I got my degree was at Elitopia Academy. I worked there as an ESL teacher for Korean students. Technically, si Teacher Mylove – who is the academy’s head teacher- ang kaunaunahan kong boss.

Mahirap kung sa mahirap ang work namin lalo na kapag ‘peak’ season- panahon kung kailan dumadagsa ang Korean students sa Pilipinas para mag-aral habang nagbabakasyon. Masaya naman ang pagtuturo ngunit gayunpaman, dumating ako sa punto na na-burn out ako, napaisip kung ano pa ang mga opportunity na naghihintay sa akin sa labas given na nasa first job pa lang naman ako, at marealize kung ano ba talagang gusto kong gawin sa buhay ko. Sa mga panahong ganito, di ko maiwasang makagawa ng maling desisyon. Naisip ko noon na huwag na lang pumasok or magAWOL in simple terms.

Bago pa man ako makagawa ng maling desisyon, nabatid ng Diyos ang pangangailangan ko. Si Teacher Mylove ang ginamit ng Diyos upang maging gabay ko sa buhay ko. Noon pa man ay batid ko na na approachable si Teacher Mylove, pero sa hindi inaasahang pagkakataon, siya ang nagapproach sa akin at kinausap niya ako dahil napansin niya na tila ba ay may gumugulo sa aking isipan. Nakinig siya sa lahat ng saloobin ko. Pagkatapos ng aming pag-uusap ay tinulungan niya ako na i-overcome ang pagka-burn out ko; binigyan niya ako ng mga oportunidad na makapagpapaunlad sa akin gaya ng pagrekomenda sa may-ari ng Academy na itrain ako para magturo ng SAT at TOEFL (advanced subjects). In her own little ways, she always shows how she appreciates me as a good teacher; nagtiwala siya sa kakayahan ko; chinallenge niya ako sa mga bagay na akala ko hindi ko kaya pero kayang kaya ko (e.g. Paghahandle sa mga makukulit na student at pagtuturo ng mga advanced subjects); tinulungan niya akong alamin kung ano ba talaga ang gusto ko at tinuruan niya akong magdesisyon ng tama at panindigan ang mga desisyon ko.

Iniwan ko si Teacher Mylove para sa magandang oportunidad at para ipursue ang gusto ko talagang gawin, ang magsulat. Iniwan ko siya pero hindi siya nagalit bagkus ay natuwa at naexcite dahil naniniwala siyang….
*I have improved a lot
* I have to experience the things that the world will offer to me
* I have found my one true love, writing, and I have to pursue it
* I have made my decision to quit teaching and I will stand for it, doing my very best and being passionate with every piece that I write

Teacher Mylove, you have brought out a WRITER in me. For that, I thank you till the last letter that I will write.

She is the greatest teacher, and I am greatest writer of her story.

#forevergrateful

Inspired? Give Your Thoughts!

Name and email are required fields. Your email address will not be published.
By posting a comment, you agree to the Terms & Conditions of the site.