The Person Who Brings Me Out of My Shell: For Joseph Magtira

Before I was hired by The Coffee Bean & Tea Leaf as back of the house, sobrang mahiyain ako. Takot lumabas, takot sa tao, ayoko makipag-engage. But Sir Joseph taught me na hindi ako dapat lagi nasa loob lang ng shell ko. Kailangan ko lumabas. Kailangan kong ipakita na kaya ko humarap sa mga tao. Ever since, sinubukan ko hanggang sa unti-unti nawala na yung pagkamahiyain ko. He was my motivator lalo na sa mga times na parang sumusuko na ako at ayoko na magpatuloy. Lagi niya sinasabi na pinagdaanan niya rin yung pinagdaanan ko at ngayon, kapag nakikita ko siya, mas na-iinspire pa ko. Siya din yung isa sa mga taong naniniwala na kaya ko harapin ang kahit anong challenge. Isa din siya sa natuwa at naging proud na na-promote ako as Full Time Barista. He’s all out in supporting us – professional man or personal. Nagkaroon ako ng tatay inside the industry, yung tinotolerate rin yung pagkakamali ko. I can say na siya yung isa sa mga tao na naglabas ng tapang ko at kung hindi dahil sa mga advice and words of motivation niya, siguro until now mahiyain pa din ako. Natutunan ko din sa kanya na basta nasa tama ka, wala ka dapat ikatakot.

Thank you Sir Joseph for bringing me out of my shell! Words are not enough to express how thankful I am to you for being a part of this journey I am taking.

Inspired? Give Your Thoughts!

Name and email are required fields. Your email address will not be published.
By posting a comment, you agree to the Terms & Conditions of the site.