Poems

Hakbang

UUWI TAYONG DERETSO
NANG WALANG BITBIT AT INIISIP
NA MAY PAG ASANG DALANG
MAY BUKAS PA PARA MAKABAWI

HINDI TAYO TITIGIL KUMILOS
PERO HINDI RIN NATIN MASYADONG PIPILITIN
NA UMAYON SATIN ANG LAHAT
DAHIL MAY TAMANG ORAS TAYONG KATAPAT

MARAHIL MARAMI NA ANG NAUNA
KUNG SAAN MO GUSTONG PUMUNTA
PERO GAYA NILA, MAGHIRAP KA MUNA
PARA ANG NGITI, TAGUMPAY TALAGA

SABI NILA, WALANG MADALI
KAYA WAG RING MAGMADALI
ISANG HAKBANG PAGTAPOS NG ISA
UNA AT PANGALAWA
HANGGANG DUMATING KA

PAGKATAPOS NG LAHAT
SAN KA MAN PAPUNTA
MAY SURPRESANG NAGHIHINTAY
WALANG MASASAYANG NA PAGSISIKAP

Inspired? Give Your Thoughts!

Name and email are required fields. Your email address will not be published.
By posting a comment, you agree to the Terms & Conditions of the site.