Poems

Salamat at Lumaban Ako!

Paano mo masasabing para sa’yo kung hindi mo susubukan?
Paano mo masasabing ginawa mo ang lahat kung hindi ka lumalaban?
Hahayaan mo na lang bang kainin ka ng takot at umatras na lang?
Tatanggapin mo na lang ba na talo ka kahit hindi mo pa sinusubukan?

Paano mo nasasabing hindi mo kaya kung hindi mo pa sinusubukan?
Nalaman mo na ba kung hanggang saan ang kaya mo?
O ikaw lang ang gumagawa ng limitasyon para sa sarili mo?

Kung gusto mo talaga bakit hindi mo ipaglaban?
Gawin mo ang sa tingin mo ang dapat mong gawin.
Natatakot ka? Harapin mo!
Wala namang lumaban ng patas
Na alam kung ano agad ang kahihinatnan
Ang mahalaga lumaban ka!

Paano kung mabigo?
Ang mahalaga hindi ka nabigo dahil umatras ka.

Basta lagi mo tatandaan
Labanan mo yung mga bagay na karapatdapat mong labanan
Dahil hindi lahat ng laban sa buhay dapat mong labanan.

May mga laban na para sa’yo
May mga laban rin na hindi pinagaaksayahan ng oras mo
Piliin mo ang laban na para sa’yo
Yung laban na sinisigaw ng puso mo
Yun ang labanan mo.

Wag mo atrasan!
Wag mo sukuan!
Dahil sa huli ano man ang kinahinatnan
Malalaman at masasabi mo sarili mo
Salamat at lumaban ako!

Inspired? Give Your Thoughts!

Name and email are required fields. Your email address will not be published.
By posting a comment, you agree to the Terms & Conditions of the site.