Kuya Ko: For Shoji Adriano

Dalawa lang kaming magkapatid. Nung bata pa kami, hindi kami lagi magka-sundo sa mga bagay na mayroon kami sa buhay. Madalas kaming magtalo at awayin ang bawat isa. Naalala ko pa noon, sinabi ng nanay ko na pagdating ng panahon, kaming dalawa lang ang magiging magkakampi.

Isa ang kapatid ko sa napaka-mahuhusay sa klase. Buong pag-aaral niya, isa siya sa mga kinikilalang matalinong estudyante.

2004, nagka-sakit ang nanay ko. Ito ang unang beses na kinailangan ko ng tulong ng kapatid ko. After 6 months, namatay na si nanay. Kami nalang dalawa. Kasalukuyan pa kong nag-aaral noon at wala kaming mahingan ng tulong. Siya ang tumayong tatay at nanay ko. Naging gabay at nagturo sakin na maging matatag. Hindi para sa kanya, kundi para saming dalawa.

Mahirap sa umpisa pero naglaon, sa suporta at pagiging nandiyan para sa isa’t isa, naging okay kami.

Naiisip ko lang, hindi naman niya dapat ginawa iyon para sakin dahil wala naman akong ginawang makaka-buti sa kanya. Pero ang pagmamahal niya sakin bilang kapatid niya ay tila higit pa sa kahit na ano mang bagay na mayroon siya sa mundo.

Inspired? Give Your Thoughts!

Name and email are required fields. Your email address will not be published.
By posting a comment, you agree to the Terms & Conditions of the site.